LOMO CARDS

LOMO CARDS

Kumakailan lang ay may isang lalaki at isang batang babae ang pumasok sa ating tindahan. Ang masayang bata ay nagtungo sa kinaroroonan ng ating LOMO Cards kasama ang kanyang ama. Nakangiti ang bata habang tinitingnan ang mga letrato ng kaniyang mga iniidolo. Ang kaniyang ama naman ay nasa tabi lamang at hinihintay siyang makapili ngunit maya-maya ay nag-uusap ang mag-ama sapagkat ang nais ng batang babae ay ang malaking LOMO Cards. Ngunit sa aking pandinig ay hindi sasapat ang perang dala ni tatay upang mabili ang malaking LOMO Cards na iyon at sinabihan siya na sa maliit na LOMO Cards lamang sasapat ang kaniyang pera. Bakas naman sa mukha ng batang babae ang pagkalungkot nang sambitin iyon ng kanyang ama.
Sa isang gilid ay may isang Panauhin na nakasaksi sa usapan ng mag-ama at maya-maya ay lumapit ito sa kanila at isinambit na kunin na ng batang babae ang ninanais niyang LOMO Cards. Agad-agad namang kinuha ng batang babae ang malaking LOMO Cards na may ngiti sa kaniyang labi. Ang kaniyang ama naman ay nabigla rin sa isinambit ng kaniyang kapwa na siya na lang daw ang magbabayad ng malaking LOMO Cards na iyon para sa batang babae. Sinabi nito sa ama na ang pera na sana ay ipambibili nila ay itago na lamang at ibili na lamang nila ito ng kanilang makakakain. Bakas sa mukha ng mag-ama ang saya at pasasalamat sa Panauhin na siyang nagbayad para sa gustong LOMO Cards ng batang babae. Sila ay sobrang nagpasalamat sa kagandahang loob ng kanilang kapwa at ang sabi nang mabait na Panauhin ay walang anuman na may ngiti sa kaniyang labi.